Part 1 of 2: OWB Holster for Mrs. TactiCooL’s Tanfoglio FT9 (English-Filipino Video)

After binilhan natin si Mrs. TactiCooL ng kanyang Pink Tanfoglio FT9 naturally, ang susunod naming gagawin is pupunta kami ng range para makapag practice sya. Pero ang problema ay wala akong ma’hanap na holster para mismo sa Tanfoglio FT9 dahil hindi ito well-known model kahit napaganda ng features nila.

While nag titingin-tingin ako sa Lazada one evening, may lumabas na “Universal Holster” daw at less than 500 pesos lang! Sabi ko sa aking sarili, “Pwede ito! Hindi gaanong mahal so kung pumalpak man, hindi masyadong masakit and magwowork sa Glock and other popular models so pwede kong ibenta.

Ito ang link ng item sa Lazada PH:

Lazada Link 1

Lazada Link 2

Ang video sa baba ay nagpapakita kung kumusta itong item sa Tanfoglio FT9 para makita nyo muna mismo bago kayo bibili. And since halos pareha ang profile ng Tanfoglio FT9 sa Armscor MAP/MAPP1, hindi malayong pwede din itong magwork. But please note: hindi ko pa natry sa MAP/MAPP1. Tancha ko lang na mag-work ito. Update ko itong article kung maka hanap ako ng kakilalang may MAP1/MAPP1.

Hindi din naman sasama ang loob ko na i-try ito dahil kung mag-fail man dahil hindi mag fit sa Tanfoglio, sa price ng item hindi naman masyadong masakit plus gagana naman daw ito sa Glock ko so okay lang. By the way, shipped from overseas ito so medyo maghihintay ka lang konti. Meron naman mga benta locally kung nagmamadali ka pero nasa around 1,000 and benta nila.

Leave a Reply