Editable Request Letter for Permit to Transport (multiple FA) [Filipino Article]

May PSMOC/PPSA-sanctioned competition ba malapit sayo ngayong weekend or gusto mo lang i-putok ang firearm mo kasi matagal mo na itong hindi nagawa, pero wala kang PTCFOR? `Wag kang mag alala meron pang isang paraan na legal mong mailalabas ang firearm mo na walang kaba dahil hindi mo kailangang mag “bahala na si Batman” mode. Ito ay sa pamamagitan ng Permit to Transport (PTT) and kailangan mo lang nitong request letter para makakuha nito.

Since under Martial Law pa rin ang Mindanao, useless para sa amin na magkaroon ng PTCFOR, ang Permit to Transport ang only way para mailabas namin papuntang range ang mga firearms namin, legally.

Para sa mga Taga Luzon at Visayas na wala ding mga PTCFOR, ito din po ang legal way na mailalabas nyo ang inyong firearms for competition or range time.

IMPORTANT: May mga temporary information na naka-fill up sa file na ma-dowload natin sa link below. Purposely po natin itong ginawa para meron tayong halimbawa/guide kung anong ilalagay sa bawat text fields. Kailangan nyong palitan ang mga ito to reflect yung:

  • Rangko at buong panganlan ng FEO in-charge/RCSU Chief sa area nyo
  • Pangalan at address ng FEO/Police Regional Office sa area nyo
  • Address ng bahay nyo
  • Address ng range na pupuntahan nyo
  • Purpose (Test firing, Practice or Competition)
  • Date na gusto nyo itong gawin
  • LTOPF Information nyo
  • Firearm Registration information ng firearm na gagamitin nyo

[Link to the File] Editable Permit to Travel Request Letter Sample

[This file has been scanned by Virustotal.com with 0 malware/virus found. Click here for the result]

  1. Click the above link
  2. Download the file
  3. Right click on the downloaded Zip file and click “Unzip” to extract the PDF File.
  4. Open/Double click on the PDF file
  5. and start keying-in your information

Note: for best results and compatibility, please download the latest Adobe Reader from their download page: https://get.adobe.com/reader/ as those using version 9 and earlier are having trouble saving to a file with inputted information.

This is purely for the love of the Philippine “PEW PEW” Community. I hope this file could be of help to you as it did to me.  I would love to get your inputs too if I miss any. Kindly email them to info@tacticoolonabudget.com or send a message to our Facebook Page TactiCooL on a Budget and credits will be given to the contributors, of course!

Leave a Reply